Wednesday, December 12, 2007

When tears fell,,again

Huwag kang tumingin ng ganyan sa amin
Dahil hindi ko alam kung mga titig na ya'y para sa akin
O sa kanyang mas may gandang angkin
Baka mali aking akalain

Huwag kang ngumiti ng ganyan
Tabi kami ng upuan
Baka isipin kong para sa akin yan
Hala, baka ika'y ngitian

Pakiusap huwag mong hayaang isipin ko na ako nga
Tapos siya pala
Tapos mahal ka rin nya
Ayoko namang maging kontrabida

Tapos magiging kayo
Sasabihin kong masaya ako para sa inyo
Kahit parang sasabog na ako
Kahit ang sakit-sakit na dito

Masakit, mahirap kasi wala akong masabihan
Pinili mo kasi'y aking kaibigan
Iiyak na lang mag-isa
Gagamutin ang sarili ng di nyo nakikita

Kasi walang kasing sakit ang umasa
Pag hindi naman pala pinapaasa
Sanay na ako sa buhay ng walang nanliligaw
Kaya wag mong ipahiwatig na baka ikaw

Tapos hindi pala.
Kaya tapos na.

Starstruck

Crush kita kaya lang hindi na kasi ngayon lang tayo ulit nagkita. Pero maingat na maingat pa rin akong tumitingin sa'yo kasi baka mahuli mo at ng prof natin ngayon.

Pero, nahuli mo ako.Nagkatinginan tayo. Pakiramdam ko namula ang buong mukha ko kaya tumalikod ako. ang init ng mga tenga ko. Hindi ko mapigilang tumawa at ngumiti. Parang hindi ako makahinga.

DEEP BREATH. Inhale. 1, 2, 3. Exhale.

Hanggang ngayon nakangiti pa rin ako. Hindi ko na nga maalala kung ngumiti ka rin ba, sumimangot o tumalikod. Hindi ako conscious sa paligid ko nung mga oras na yun. Wala akong maalala kundi yung kakaibang feeling na yun. Hindi ko alam kung sano bang ginawa mo para magkaganoon ako. Pag-alis mo, na-realize ko na lang....

na, for the first time..na-starstruck ako...=)