Wednesday, April 14, 2010

:(

ang pakiramdam ko ngayon parang tumatalon ang puso ko mula ribcage hanggang tyan.
para siyang malalaglag anytime...

Saturday, April 10, 2010

Mcdo

amoy chicken fillet na ko.
lasang coke float na ang laway ko.
highblood na ako sa kakakain ng french fries.

pero nasa mcdo ako ngayon.
kasi baka ngayong gabi, magkatotoo na yung eksenang ilang milyong beses ko ng pinaulit ulit sa utak ko.
tama.baka ito na yung gabing yun.

ngalay na ang leeg ko sa kakalingon sa pinto.
naghihinala na sakin yung mama sa labas kasi kanina pa ko tingin ng tingin.

pero hindi pa rin ako umaalis kasi hobby ko to.
hobby ko na ngayon ang maghintay sayo.