Wednesday, January 27, 2010

Night of Failures

Nakakatawa. dito ako nagpopost kasi alam ko namang wala ng nag-oopen ng blogger ngayon.ahaha. Kailangan ko lang ilabas ito.

I was so disappointed earlier today. Wala kasi kaming class which means I won't be able to see you again. Another chance lost. Kaya naman ang saya-saya ko nung makita kita kanina. Kung pwede akong tumalon-talon, ginawa ko na. Kaya lang ang loser ko. I wasn't able to say what I wanted to. Kung papakinggan mo, parang importante yung sasabihin ko eh noh? Pero sa totoo sasabihin ko lang namang: "Hey nagpalit na ako ng number" Siguro natatakot din akong marinig mula sa'yo na "So?" pero hanggang ngayon binabatukan ko pa rin ang sarili ko dahil di ko sinabi.

"Hindi ka na ba natutuo sa nakaraan?"

Shame hurts less than regret. Motto ko na yan ngayon pero hindi ko mapanindigan! GGgrrrr.
But anyway, nangyari na ang lahat ng nangyari. Bahala ka na po Lord. Hindi ko talaga ito kayang mag-isa.

---------------------------------

Wednesday, January 20, 2010

Bara sa lalamunan

it is true that truth hurts but paranoia kills.

nakakalungkot pala ang pakiramdam ng kinakaawaan
pero mas nakakalungkot ang pakiramdam na maawa sa sarili.

i feel like something to be rid off.
Na sinasabi mo lang yan para maging maayos ang lahat, para may lugar din ako, hindi dahil naniniwala ka sakin...

Alam kong dapat ma-flatter ako.yun nga ang una kong naramdaman pero pagkatapos kong isipin ang mga bagay-bagay,nasaktan ako. At naiiyak ako ngayon.kasi napatunayan kong hindi lang pala ako ang naluloseran sa sarili ko, kayo rin pala...

oo,loser ako kasi nung andyan pa yung pagkakataon hindi ko pinakita sa'yo kung gaano ka kaimportante sa akin. Inisip ko pa nga noong iwan ka. Hindi ko nagawa ang lahat para sa'yo kasi sa isip ko, iiwan din naman kita pagdating ng panahon. Pero ngayong binibigyan na ako ng tadhana ng pagkakataon para iwan ka, hindi ko magawa. Kasi ngayon sigurado na akaongg mahal kita at kaya kong gawin ang lahat para sa'yo. Kaya lang, may nahanap ka ng iba. May nahanap ka ng kapalit ko, ang kaibigan ko. Siguro nga hindi pa kapalit kasi mas naibigay niya at nagawa niya yung mga bagay na hindi ko nagawa para sa'yo. Siyempre,masakit.kasi alam kong mahal mo siya at mahal ka rin niya. Ano pang laban ko di ba? Ano pang laban kong minsang bumalewala sa'yo? pinagsisihan ko yun pero tapos na di ba? di na maibabalik pa. Sa totoo lang, ayoko ng i try i-win back ka.kasi karapatdapat siya sa'yo.masakit pero dadalhin ko na lang din siguro ito sa akin.

kaya naman ganito ang nararamdaman ko, kung hindi nga ako naging karapatdapat para sa'yo e di lalo na sa mas higit sayo...

hay.nangyari na naman sa akin to.di na naman ako natuto.