You are at Quezon Avenue Station. Quezon Avenue Station. Thank you for patronizing the Metrostar Express.
Parati akong nakaupo dito. Paulit-ulit kong naririnig ang boses na yan. Minsan nga naisip ko, "sino kaya ang nagsasalitang yun?" Laging ito ang iniisip ko bago ko siya nakita. Oo, yung babaeng magulo ang buhok, mukhang pagod na pagod at laging nagmamadali. Madalas ko siyang nakikitang isinasaksak ang stord valu ticket sa machine tapos bumababa sa hagdan. Hindi ko alam kung bakit sa libu-libong taong dumadaan siya lang ang napapansin ko. At sa tuwing makikita ko siya, laging ganun ang ginagawa niya. Paulit-ulit.
Pero iba ngayong gabi. Oo, isinaksak niya yung stored value ticket niya pero hindi siya bumababa sa hagdan kundi, tumaas siya sa hagdang kinauupuan ko. Umupo siya ilang hakbang mula sa akin. Tinakpan niya ang mukha niya ng kanyang mga kamay at umiyak. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Kinuha ko yung panyo kong puti pero gray na ito ngayon kaya hindi ko maiaalok sa kanya. Hindi ko naman matiis na hindi siya lapitan kaya umupo ako sa tabi niya.

"Bakit ka umiiyak?" tinanong ko siya.
"Ang bilis-bilis kasi ng mundo, naiwan tuloy ako"
"Ako rin nga naiwan eh. Ang tagal ko na nga rito"
Nang sabihin ko yun, tumingin lang siya sa akin. kItang-kita ko sa mga mata niya na malungkot talaga siya kaya sinabi ko sa kanya
"Gusto mo habulin natin. Hindi naman kasi talaga bumibilis ang mundo. Tayo ang bumabagal."
Sa wakas ngumiti siya. Tumayo kai at bumaba sa hagdan. sa kauna-unahang pagkakataon masasabi kong may magandang nangyari sa pag-upo ko sa hagdanan sa may MRT.
Kaya, sa'yo mundo, humanda ka dahil makakahabol din kami sa'yo. At sa babaeng magulo ang buhok atn mukhang pagod na pagod, kumapit ka lang makakahabol din tayo. Oo, makakahabol tayo.