Huwag kang tumingin ng ganyan sa amin
Dahil hindi ko alam kung mga titig na ya'y para sa akin
O sa kanyang mas may gandang angkin
Baka mali aking akalain
Huwag kang ngumiti ng ganyan
Tabi kami ng upuan
Baka isipin kong para sa akin yan
Hala, baka ika'y ngitian
Pakiusap huwag mong hayaang isipin ko na ako nga
Tapos siya pala
Tapos mahal ka rin nya
Ayoko namang maging kontrabida
Tapos magiging kayo
Sasabihin kong masaya ako para sa inyo
Kahit parang sasabog na ako
Kahit ang sakit-sakit na dito
Masakit, mahirap kasi wala akong masabihan
Pinili mo kasi'y aking kaibigan
Iiyak na lang mag-isa
Gagamutin ang sarili ng di nyo nakikita
Kasi walang kasing sakit ang umasa
Pag hindi naman pala pinapaasa
Sanay na ako sa buhay ng walang nanliligaw
Kaya wag mong ipahiwatig na baka ikaw
Tapos hindi pala.
Kaya tapos na.
CIAO!!
ReplyDelete1 SALUTO DALL'ITALIA
e 1 AUGURIO x 1 FELICE NATALE ....LINA
oi.. eto ba ang post mo na pinapabasa mo sakin??? bakit hindi ka nagsasabi??? tsk.. imposible naman yang sinsabe mo eh.. tsk..tsk.. kaw talaga... kea ka pala naiyak... tas yaw mo sabihin.. tsk.. cge cge.. merry christmas myka!!!
ReplyDeleteHello. This post is likeable, and your blog is very interesting, congratulations :-). I will add in my blogroll =). If possible gives a last there on my blog, it is about the Pen Drive, I hope you enjoy. The address is http://pen-drive-brasil.blogspot.com. A hug.
ReplyDelete