Wednesday, January 20, 2010

Bara sa lalamunan

it is true that truth hurts but paranoia kills.

nakakalungkot pala ang pakiramdam ng kinakaawaan
pero mas nakakalungkot ang pakiramdam na maawa sa sarili.

i feel like something to be rid off.
Na sinasabi mo lang yan para maging maayos ang lahat, para may lugar din ako, hindi dahil naniniwala ka sakin...

Alam kong dapat ma-flatter ako.yun nga ang una kong naramdaman pero pagkatapos kong isipin ang mga bagay-bagay,nasaktan ako. At naiiyak ako ngayon.kasi napatunayan kong hindi lang pala ako ang naluloseran sa sarili ko, kayo rin pala...

oo,loser ako kasi nung andyan pa yung pagkakataon hindi ko pinakita sa'yo kung gaano ka kaimportante sa akin. Inisip ko pa nga noong iwan ka. Hindi ko nagawa ang lahat para sa'yo kasi sa isip ko, iiwan din naman kita pagdating ng panahon. Pero ngayong binibigyan na ako ng tadhana ng pagkakataon para iwan ka, hindi ko magawa. Kasi ngayon sigurado na akaongg mahal kita at kaya kong gawin ang lahat para sa'yo. Kaya lang, may nahanap ka ng iba. May nahanap ka ng kapalit ko, ang kaibigan ko. Siguro nga hindi pa kapalit kasi mas naibigay niya at nagawa niya yung mga bagay na hindi ko nagawa para sa'yo. Siyempre,masakit.kasi alam kong mahal mo siya at mahal ka rin niya. Ano pang laban ko di ba? Ano pang laban kong minsang bumalewala sa'yo? pinagsisihan ko yun pero tapos na di ba? di na maibabalik pa. Sa totoo lang, ayoko ng i try i-win back ka.kasi karapatdapat siya sa'yo.masakit pero dadalhin ko na lang din siguro ito sa akin.

kaya naman ganito ang nararamdaman ko, kung hindi nga ako naging karapatdapat para sa'yo e di lalo na sa mas higit sayo...

hay.nangyari na naman sa akin to.di na naman ako natuto.

No comments:

Post a Comment

Your thoughts?