Monday, March 21, 2011

huli ka!

alas dos ng umaga buhay na buhay pa
kay daming gagawin pag gising na sila
walang kausap, walang kasama
lumilipad ang isip patungong EDSA

biglang nahuli ko na lang ang sarili ko
humihiling, sumasamo
sana andito ka sa tabi ko
sana nakikita ko ang puyat na ngiti mo

ito yung mga panahong hinhiniling kong sana nandito ka
sana hindi naging komplikado ang mundong ginagalawan nating dalawa
sana kayang ayusin ng mundo ang mga problema niya
para may oras tayo sa isa't-isa

sana ngayon ikaw ang kapeng pampagising ko
sana tumatawa ako ng mag-isa sa mga hirit mo
sana madali kong natatapos ang gawain ko
kasi sa totoo lang, inspirado ako

ito yung mga panahong sana kasama kita
sana malapit ka kahit malayo naman talaga
sana wala tayong  mga problema
basta ikaw lang si .... at ako lang si Myka

inaamin kong di ko na dapat naiisip ito
kasi pinalaya ko na ang sarili ko sayo
pero maitatanggi ko ba ang totoo
na sa oras na ito, ikaw lang ang kailangan ko?

No comments:

Post a Comment

Your thoughts?