Isang gabi matapos gumawa ng copy, napakarandom na naisip ko "Ano nga bang pangarap ko?" (Nagpapakaprofound ang lola mo). Naisip ko bigla. Ikaw, ikaw ang pangarap ko (SOOOOOOOOOOBRANGG CHEEEEEEEEESY) pero actually parang hindi naman. Parang iba ang pangarap ko.Ano nga ba, ano nga ba ang pangarap ko?
pangarap kong kantahin para sa akin ng isang espesyal na tao ang "I'm yours" ng The Script
pangarap kong magtayo ng bahay ampunan
pangarap kong makakuha ng 100 na score sa karaoke
pangarap kong sumayaw ng ballroom
( at habang sinusulat ko ito tumugtog ang "if can see it then i can do it if i just believe it there's nothing to it" i sooooo love you Lord. Ang lakas ng bilib mo sakin)
pangarap kong makasakay sa eroplano
pangarap kong magkaroon ng anak
pangarap kong maging isang mabuting ina
pangarap kong makapagbake ng chocolate cake na masarap
pangarap kong umakytat ng puno
pangarap kong maging dj
pangarap kong sumulat
pangarap kong mapunta sa langit
pangarap kong magsulat ng sarili kong libro
pangarap kong malagay sa dyaryo (for a very positive reason. let's stress that)
pangarap kong makatanggap sa roses
pangarap kong makapagdrive ng kotse
pangarap kong maging proud sila sa akin
pangarap kong mahanap ang "The One"
Pangarap kong makarating sa Great Barrier Reef
Pangarap kong malibot ang Rome
Pangarap kong gumawa ng bag
pangarap kong makawitness ng isang miracle
pangarap kong makapagligtas ng ibang tao
pangarap kong mawala ang lahat ng pimples ko
pangarap kong maging kulot
Pangarap kong maging isang cartoon
pangarap kong makaimbento ng sarili kong recipe na masarap
pangarap kong manalo ng award
pangarap kong mag-out-of -town with my friends
pangarap kong matutong maggitara
pangarap kong matupad ang mga pangarap ko
pangarap kong maging pangarap ng iba. haha
No comments:
Post a Comment
Your thoughts?