Tuesday, February 22, 2011

Magical Moment < 3

Alam kong cheesy pero kailangan mo na talagang malaman. Aalis na ako kaya huling pagkakataon ko na para sabihin sayo ang lahat ng nararamdaman ko. Mahal kita noon pa pero maniniwala ka ba kung sasabihin kong mas mahal kita ngayon? Hindi ko alam kung paano ko sasabihin. Magmumukha naman akong tanga nun kaya pinaramdam ko na lang. Sana naman  naramdaman mo diba? I love you so much I cannot even speak of its length or breadth or depth. I never thought I could love someone like this but then again I thought wrong. Dahil sayo, lagi na akong may katext at hindi ko na kailangan magforward ng quotes para masulit ang unli ko. Dahil sayo nagkaroon ako ng tapang. Dahil sayo mas naintindihan ko ang sarili ko. Dahil sayo naging mas mabuti akong tao. Dahil sayo, wala na akong pakialam sa sasabihin nila. Basta masaya ka. Basta kasama kita. 

Pero hindi rin naging madali ang ipakita sayo na mahal kita. Maraming beses na rin akong umiyak dahil sayo. Maraming beses na naiinis ako kasi hindi ko maiwasang hindi ka isipin kahit marami akong ginagawa sa acads. Maraming beses na naiiyak na lang ako sa sobrang pagod. Maraming beses na nahihilo na ako sa sobrang puyat. Maraming beses na rin na ginusto ko ng isuko ang lahat ng ito. Pero sa tuwing nakikita kitang nakangiti, nakatawa at masaya, nalulusaw lahat ng paghihirap. Nawawala lahat ng lungkot. Biglang ok na ako ulit.

Sabi ng mga magulang ko, nakasama ka raw sa akin. Nalulungkot ako. Nalulungkot ako kasi hindi nila makita kung gaano ako naging isang mabuting tao dahil sayo, kung gaano ako naging matatag dahil sayo. My best has always been because of you.

Sana sa pag-alis ko maging ok ka pa rin. Sana malampasan mo ang mga sarili mong expectations. Magkakalayo na tayo pero di naman ako mawawala. Pangako yan. Tawag ka lang pag kailangan mo ko. Alam mo namang hindi kita matitiis.

Sa panghuli, gusto kong magpasalamat sayo.  Salamat sa pagkakataong magkaroon tayo ng “babies” at “mga bunso.” Sana alam nila kung gaano ko sila kamahal.

Salamat sa pagkakataong maging "Best Member" si Demae. Salamat sa pagkakataong makita si Canter na kinikilig. Salamat sa pagkakataong magpuyat kasama ni Gelli. Salamat sa pagkakataong masabihan ni Kat ng "I love you Myka Dear." Salamat sa pagkakataong makita ang bitchy side ni Q. Salamat sa pagkakataong mapaiyak si Polina. Salamat sa pagkakataong masermunan at sermunan si Hebs. Salamat sa pagkakataong makitang magkalovelife si Macar. Salamat sa pagkakataong makita si Aiz na kumain ng nakakamay. Salamat sa pagkakataong maging kampante na si Mau ang papalit sa akin. Salamat sa pagkakataong makita si Kris na laging kausap ni Chief habang kinikilig. Salamat sa pagkakataong makita si Kuya Marvin na hanggang tenga ang ngiti sa sobrang kilig. Sana alam nila na kung papipiliin ulit ako, sila pa rin ang mga members na kukunin ko.

Salamat sa pagkakataong maging Personnel Chair mo. Salamat sa pagkakataong makilala sina Perv Goddess at Voyeuristic Princess. Salamat sa pagkakataong awayin  si RM at Jimmy. Salamat sa pagkakataong madiscover ang lovelives ni Nino. Salamat sa pagkakataong abusuhin ang sipag ni Thea at Kim. Salamat sa pagkakataong maasar ni Jong at asarin si Roni.  Salamat sa pagkakataong makatrabaho at maging mga tunay na kaibigan ang pinakajeje na BOD. Diba, akala nilang lahat hindi natin kakayanin. Pero akala lang nila yun.

Salamat sa pagkakataong maging tunay na kaibigan ang 2 pinakasexy na presidente mo. Sana alam nila kung gaano ko sila namimiss.

Salamat sa pagkakataong makilala at mahalin siya. Sana makahanap siya ng taong mamahalin niya at mamahalin siya ng higit pa.

Salamat sa lahat ng bagay na naituro mo sa akin. Salamat sa pagtitiwala. Salamat sa pagmamahal.  Salamat sa mabubuting kaibigan na natagpuan ko dahil sayo. Salamat. Salamat. Salamat sayo, StatSoc.

No comments:

Post a Comment

Your thoughts?