Wednesday, September 19, 2007

15 minutes

“Alam mo gusto ko mahal kita. Kasi ang bait mo, lagi mo akong binibigyan ng lollipop. Tapos sabay pa birthday natin. Ikaw ba gusto mo bang mahal mo ako?”
“Ano ba yun?”
“Basta.”
“O, sige”
“ Kaya lang sabi ng nanay ko yung mahal daw kapag malaki na tayo saka lang pwede”
“Paano na yun?”
“e di pag malaki na tayo”
“Kailan ba yung malaki na tayo?”
“Sabi ng nanay ko pag naka-21 na birthday na raw ako, malaki na ako. Ikaw, nakailang birthday ka na ba?”
“Six pa lang eh”
“Ako rin”
“Matagal pa pala”



Hindi ko makakalimutan ang usapan nating ‘yun kahit grade 1 pa lang tayo. Pati na rin nung JS natin nung 4th year. Nagulat ako sa sinabi mo noong nagsasayaw tayo:


“Nakailan ka na?”
“Ha?”
“Nakalimutan mo na ba?”
“Hindi noh. Naka-17 na ako. Ikaw ba?”
“Loka. E di 17 din. Magka-birthday kaya tayo.”
“Oo nga ano.ahahaha”
“Basta pag naka-21 na tayo, magkikita tayo sa chapel ng eksaktong 8 ng gabi. Pag wala tayo doon ng saktong 8 ibig sabihin may mahal na tayong iba”
“Ok. Usapan yan”



Hindi ko talaga nalimutan yun. Naka-21 na ako kaya ako nandito. Tututpad ako sa pangako dahil ikaw lang ang mahal ko. Pero bakit ganoon, nak-21 ka na rin di ba? Bakit wala ka pa? May mahal ka na bang iba?


1 minuto na lang 8 na. Wala ka pa rin.


10 seconds na lang. Hindi ka pa dumarating.


5… 4…3…2…1.


8 na sa relo ko. Wala ka pa rin. Wala ka na. Wala na.


Ang sakit.



Umaasa ako.


Ang sakit.


All these years ikaw lang ang mahal ko.


Ang sakit.


4 years lang tayong hindi nagkita may iba ka na.



Uuwi na lang ako. Itutulog ko na alng ito. Dyan lang ang bahay naming pero nag-jeep ako. Hindi ko kayang maglakad. Hindi ko na maalala kung nagbayad ba ako. Dumapa ako sa sofa namin.


I feel so hurt.


I feel so broken.


I feel so…OH MY GOD!!!!SHOCKS ANG TANGA KO!!


Nagmamadali akong tumakbo papuntang chapel. Nakapambahay ppa akong tsinelas. Gulo-gulo ang buhok ko. Pero nandoon ka. Naiyak ako sa tuwa. Niyakap mo ako at tinanong:



Dumating naman ako di ba?Bakit ka umiiyak?


Wala akong nasabi kundi:


15 minutes advanced kasi ang relo ko.

Monday, September 10, 2007

Sa mga takot sa kagat ng hindi nangangagat na barya

Sumakay ako sa Toki nung isang araw. Pag baba ko nalungkot ako or rather nainis ako. Nakakainis talaga pag may nakasakay kang mga taong takot sa kagat ng hindi nangangagat na barya.
Iba-iba pa ang istilo ng mga yan. May mga lingon to the max kunwari'y hindi napapansin ang inaabot na barya. Kahit mapaos ka pa sa kakasabi ng "Makikiabot po ng bayad" ay wala kang mapapala. Mayroon namang sleeping beauty ang drama. Tulog kunwari. Di bale ng mauntog 'wag lang makagat ng hindi nangangagat na barya. Kawawang barya. At ang pinakamatindi sa lahat ng matindi ay ang mga taong tinitingnan lang ang inaabot mong barya na para bang sinasabi "Fly barya. Fly!"
Paano kung lahat ng tao ay matakot sa kagat ng hindi nangangagat na barya? Paano kung bawat sakay mo ng jeep ay kailangan mo pang lumapit sa driver (habang nakatuwad) para iabot ang bayad mo? Hindi kaya magka-scoliosis lahat ng tao?
Hindi ba mas magiging maganda ang araw nating lahat kung aabutin natin ang bayad ng iba at makakarinig pa ng "salamat" na may bonus pang smile? Hindi ba mas magiging maganda ang araw nating lahat kung sa pag-abot natin ng ating bayad ay may nakahandang umabot nito?Hindi ba mas magiging maganda ang araw nating lahat kung lahat tayo ay hindi takot sa kagat ng hindi nangangagat na barya??

Tuesday, September 4, 2007

Eh

e kung kaibigan lang tingin niya sa akin e
e hindi nga niya ako tinitingnan e
e kung iba talaga ang gusto niya e
e kung iba is not an element of ako e
e kung hindi siya interesado sa akin e
e kung hindi niya nakikita ang tunay na ako e
e kung makita man niya, ayaw rin niya e
e kung talagang hindi niya malimutan yung isa e
e kung hindi niya alam na gusto ko siya e
e kahit malamn niya wala naman siyang pakialam e
e kung umasa man ako wala ring mangyayari e
e naninigas na ang dila ko sa ka-e-e e
kaya sabi nga sa "Libre"
"e kung hindi ikaw ang laman ng puso niya e"
ANONG MAGAGAWA MO?

goodbye Little Miss Vain

hindi talaga ako bibo
hindi rin ata ako tao

I really want to please everybody. I find enjoyment and thrill in that. But as I grow older, I began to see that you REALLY can't please everybody without displeasing yourself.

It came up to me like a child realizing that the world isn't just about sugar, spice and everthing nice. Of course, I felt hurt. All my life I believ ed I can please everybody. Yes, you can call me Little Miss Vain.

But it looks like Little Miss Vain has to give up her vanity because she just can't please evreybody. I just can't please everybody.

hindi ako katulad mo
hindi ko kaya ang mga ginagawa mo
masakit sa akin na hindi ka masiyahan
pero higt akong masasaktan
kung mawawalan ako ng sariling katauhan
kaya...
GOODBYE LITTLE MISS VAIN