“Alam mo gusto ko mahal kita. Kasi ang bait mo, lagi mo akong binibigyan ng lollipop. Tapos sabay pa birthday natin. Ikaw ba gusto mo bang mahal mo ako?”
“Ano ba yun?”
“Basta.”
“O, sige”
“ Kaya lang sabi ng nanay ko yung mahal daw kapag malaki na tayo saka lang pwede”
“Paano na yun?”
“e di pag malaki na tayo”
“Kailan ba yung malaki na tayo?”
“Sabi ng nanay ko pag naka-21 na birthday na raw ako, malaki na ako. Ikaw, nakailang birthday ka na ba?”
“Six pa lang eh”
“Ako rin”
“Matagal pa pala”
Hindi ko makakalimutan ang usapan nating ‘yun kahit grade 1 pa lang tayo. Pati na rin nung JS natin nung 4th year. Nagulat ako sa sinabi mo noong nagsasayaw tayo:
“Nakailan ka na?”
“Ha?”
“Nakalimutan mo na ba?”
“Hindi noh. Naka-17 na ako. Ikaw ba?”
“Loka. E di 17 din. Magka-birthday kaya tayo.”
“Oo nga ano.ahahaha”
“Basta pag naka-21 na tayo, magkikita tayo sa chapel ng eksaktong 8 ng gabi. Pag wala tayo doon ng saktong 8 ibig sabihin may mahal na tayong iba”
“Ok. Usapan yan”
Hindi ko talaga nalimutan yun. Naka-21 na ako kaya ako nandito. Tututpad ako sa pangako dahil ikaw lang ang mahal ko. Pero bakit ganoon, nak-21 ka na rin di ba? Bakit wala ka pa? May mahal ka na bang iba?
1 minuto na lang 8 na. Wala ka pa rin.
10 seconds na lang. Hindi ka pa dumarating.
5… 4…3…2…1.
8 na sa relo ko. Wala ka pa rin. Wala ka na. Wala na.
Ang sakit.
Umaasa ako.
Ang sakit.
All these years ikaw lang ang mahal ko.
Ang sakit.
4 years lang tayong hindi nagkita may iba ka na.
Uuwi na lang ako. Itutulog ko na alng ito. Dyan lang ang bahay naming pero nag-jeep ako. Hindi ko kayang maglakad. Hindi ko na maalala kung nagbayad ba ako. Dumapa ako sa sofa namin.
I feel so hurt.
I feel so broken.
I feel so…OH MY GOD!!!!SHOCKS ANG TANGA KO!!
Nagmamadali akong tumakbo papuntang chapel. Nakapambahay ppa akong tsinelas. Gulo-gulo ang buhok ko. Pero nandoon ka. Naiyak ako sa tuwa. Niyakap mo ako at tinanong:
Dumating naman ako di ba?Bakit ka umiiyak?
Wala akong nasabi kundi:
15 minutes advanced kasi ang relo ko.
No comments:
Post a Comment
Your thoughts?