Thursday, October 11, 2007

CSI

Napakadelikado talaga sa mundo ngayon. May mga salisi gang, budol-budol, laglag barya at marami pang iba. Sabi nga nila kahit saan mo raw ilagay ang mga bagay na mahalaga sa’yo, makukuha pa rin.

Nakukuha ng hindi mo man lang nalalaman, ng hindi mo namamalayan.

Minsan ang kumukuha pa ay iyong mga hindi mo inaakalang kukuha. At ang pinakamatindi pa sa lahat, yung mga taong pinagkakatiwalaan mo pa ang tumatraydor sa’yo.

Sabagay, kahit saan mo nga naman itago ang isang bagay, makukuha at makukuha pa rin yan, kahit nga mga safety deposit boxes at gigantic vaults ng mga bangko nananakawan eh.

Haay, things are really not meant to be with you forever. They just have to go.

Pero bakit ganoon, hindi ka naman thing di ba?

Bakit yakap na kita na-snatch ka pa?!

No comments:

Post a Comment

Your thoughts?